Thursday, 29 November 2018

Personal Protective Equipment for welding ( PPE )


                  PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT FOR WELDER


Bilang isang welder kailangan natin ang PPE o Personal Protective Equipment . Ito ay dahil na din sa kapakanan natin, upang maiwasan ang disgrasya. Lato na't kung tayo ay nag-wewelding. Ang welding at pagputol ng bakal ay maaaring makagawa ng mga panganib tulad ng sparks, spatter, radiation, mainit na bakal, fumes at gas, at kahit electricshock. Dahil ang mga panganib na ito ay maaaring maging sanhi ng Burns, pinsala, o kamatayan, kaya mahalagang magsuot ng tamang PPE sa lahat ng oras.






Cover all
      
      Unang-una ang cover all. Kailangan natin ang cover all, lalo na’t ito ay mahalaga habang ang wewelding ang isang welder. Ang cover all ang nag proprotekta sa isang welder upang hindi ma paso o masunog ang kaniyang katawan.




Gloves

Ika-Dalawa ay ang gloves. Kailangan din ng isang welder ang gloves at ito ay mahalaga din. Ang gloves ang nag proprotekta sa mga paso, sparks, mga gasgas, at kung mag karoon ng electric shock . Kailangan talaga ng isang welder mag suot ng gloves lalo na kapag ito ay nag aadjust ng equipment at laging tandaan na ang golves na susuotin dry welding gloves. Kinakailangan ng welder na magsuot ang lahat ng mga welding proteksiyon kalutad nitong gloves. Ang mga gloves ay gawa sa manipis, malambot, at malambot na balat tulad ng deerskin ,na nagbibigay ng mas mahusay na proteksyon.






Welding helmet

Ika-tatlio ang welding helmet ay karaniwang ginagamit sa mga proses tulad ng shielded metal arc welding, gas tungsten arc welding, at gas metal arc welding. Kinakailangan ang mga ito upang maiwasan ang arc eye, isang masakit na kondisyon kung saan ang mata ay namamaga. Ang mga helmet ng welding ay maaari ring pigilan ang retina burn, na maaaring humantong sa isang pagkawala ng paningin o pagka bulag . may ultraviolet emissions tayong tinatawag mula sa welding arc at ito rin ay maaari ring makapinsala sa ating balat, na nagiging sanhi ng sunog sa ating balat. Bilang karagdagan sa radiation galling sa pag wewelding, ang mga gasses o splashes ay maaaring maging isang panganib sa ating balat at mata. Kaya kailangan nating gumamit ng welding helmet upang malayo tayo sa panganib




Safety shoes

Ika-apat ang safety shoes ay pang protekta sa paa para kung mahulugan man ng mabibigat na bakal hindi masyadong malala ang matatamong pinsala . Ito din ay nag proprotekta sa paa upang di mapaso , kapag may mahulog na flux na galing sa pag wewelding.


safety harnes


Ika-lima ang safety harness ay ginagamait kapag ang welder ay umaakyat sa matataas na gusali. Malaki ang tulong nito upang hindi mahulog ang isang welder kapag ito ay nagwewelding sa matataas na gusali.


Ear muff

Ika-anim ang ear muffs ay ginagamit pang protekta sa tinga ng mga welder. Ito ay  upang hindi mabing ang isang welder sa ingay ng mga grinder o kapag maingay ang paligid dahil sa mga nag wewelding.




Welding appron

Ika-pito ang apron ay hindi karaniwang apron lang ngunit nagbibigay ito ng sapay na proteksyon mula sa dibdib hanggang sa tuhod , ngunit hindi sakali ang balikat o ang kamay dahil hindi ito katulad ng cover all.


At ito ang mga importanteng PPE ng mga welder na dapat gamitin upang malayo sa mga pinsala sa katawan , panganib , o sa kamatayan.